Isasalang sa libreng operasyon sa North Cotabato Provincial Hospital ang isang lalaking taga-Kidapawan City upang matanggal ang blade ng kutsilyo na higit isang taon na palang nakabaon sa kanyang katawan.
Pahayag ni Dr. Joel Nelton Sungcad, hinihintay na lang na umuwi ng Kidapawan mula Agusan del Sur si Kent Ryan Tomao para maoperahan.
Matatandaang dinala sa nasabing ospital si Tomao noong Enero 2020 makaraang masaksak ng grupo ng mga binatilyo sa kanilang lungsod.
Ngunit hindi ito inopera dahil sinabi ng doktor na mababaw lamang ang kanyang tama kaya’t tinahi ito agad at pinauwi.
Noong nakaraang linggo lamang nalaman ni Tomao na may nakabaong blade ng kutsilyo sa kanyang katawan matapos magpa-x-ray bilang requirement sa inaplayan niyang trabaho.