Pansamantalang suspendido ang operasyon ng punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana sa Paranaque City, gayundin ang iba pang consular offices.
Ginawa ng DFA ang hakbang matapos isailalim ng Malacanang sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila at iba pang karatig-lalawigan simula ngayong araw, Marso 29, hanggang Abril 4.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na pagkatapos ng ECQ ay tumawag o mag-email muna sa mga consular offices bago ituloy ang kanilang naka-schedule na appointment sa mga nasabing tanggapan.