Nagpositibo sa COVID-19 si dating Pangulong Joseph Estrada.
Ito’y ayon sa kanyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada sa panayam ng DWIZ, aniya nitong huwebes, ay napansin niyang nanghihina ang kanyang ama kaya nagdesisyon na itong isailalim sa COVID-19 swab test pero kalauna’y nagnegatibo sa virus.
Pero nitong linggo lamang nang muling mapansin ng dating senador na nanghihina pa rin ang katawan ng dating Pangulo at hirap huminga, kaya’t agad na dinala sa ospital at dun na nalamang positibo ito sa COVID-19.
Sa ngayon, ani Estrada, nasa maayos o stable ang kondisyon ng dating Pangulo sa kabila ng pagdapo ng virus dito.
Kasunod nito, nanawagan si Estrada ng dasal para sa agarang paggaling ng kanyang ama.