Naniniwala ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na mas malala ngayon ang sitwasyon ng Pilipinas kumpara noong unang isinailalim sa lockdown ang bansa noong August 2020.
Ayon kay Benedicto Yujuico, Presidente ng PCCI, ang Pilipinas ang may pinakamahabang lockdown sa buong mundo dahilan para lubos na sumadsad ang gross domestic product ng bansa.
Ani Yujuico, hindi lockdown ang solusyon sa COVID-19 pandemic dahil may ilan aniyang bansa na hindi nagpatupad nito at hindi naapektuhan ang kanilang GDP pero ngayon ay nakakarekober naman mula sa epekto ng pandemya.
Iminungkahi ni Yujuico na paigtingin ang contact tracing upang matukoy kung saan talaga nag mumula ang pagkalat ng virus at saan ito patungo.
Kasabay nito, nanawagan si Yujuico sa pribadong sektor na tumulong sa COVID-19 tracing at vaccination efforts ng pamahalaan.