Nagpositibo sa COVID-19 si Marawi City Mayor Majul Gandamra.
Sa kaniyang mensahe sa kaniyang nasasakupan, sinabi ng alkalde na dinapuan pa rin siya ng nakakahawang sakit sa kabila ng mahigpit niyang pagsunod sa mga health protocols.
Mula Lunes hanggang Biyernes aniya ay nagtutungo siya sa kaniyang opisina para i-monitor ang progress ng rehabilitasyon ng Marawi at tuwing Sabado umano dumadaan siya sa antigen test bago umuwi sa kaniyang pamilya.
At nito ngang Sabado ay lumabas ang resulta na positibo siya kaya’t napagpasyahan na niyang sumailalim din sa RT-PCR terst kung saan parehas ang resulta dahilan para siya ay mag quarantine.
Maliban aniya sa dry cough ay wala ng ibang sintomas pang nararamdaman si Gandamra.