Limang katao ang patay kasama ang itinuturing na bilyonaryo ng Czech Republic matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Alaska.
Nangyari ang insidente nang papunta sana sa skiing trip ang grupo nina Peter Kellner ng bumagsak ang helicopter sa nagyeyelong bundok.
Agad namang dinala sa ospital ang iba pang kasama nito sa helicopter dahil nasa malubhang kondisyon ang mga ito.
Kilala si Peter Kellner na isang negosyante at nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya.
Kabilang din si Kellner sa listahan ng pinakamayamang tao sa buong mundo.
Samantala, labis namang kinalungkot ng kumpanya nitong PPF group ang pagkawala ni Kellner na ibinigay ang kaniyang buhay sa naturang kumpanya.—sa panulat ni Rashid Locsin