Lumobo sa 4.2 milyong Pilipino ang walang trabaho batay sa tala ng Philippine Statistic Authority (PSA) nitong Pebrero 2021.
Mula sa 8.7% noong Enero tumaas sa 8.8% ang unemployment rate sa bansa ayon sa PSA dulot na rin ng epekto ng patuloy na nararanasang pandemya ng bansa at buong mundo.
Habang sumirit naman sa 18.2% nitong Pebrero ang underemployment rate na dating 16% noong Enero.
Ayon naman kay National Statistician Usec. Dennis Claire Mapa malalaman ang epekto ng bagong quarantine restrictions sa kalagayan ng trabaho sa bansa nitong Marso sa darating na Abril. —sa panulat ni Agustina Nolasco.