Muling nagbabala ang pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pag-inom ng isang gamot na lunas sa kuto at iba pang sakit sa balat ng tao.
Ito’y ayon kay FDA Director General Eric Domingo makaraang malaman ang ilang report na may iilan ang umiinom na ng gamot na Ivermectin na umano’y panlaban sa COVID-19.
Giit ni Domingo, magpahanggang sa ngayon ay wala pang patunay na pwede itong gamitin pangontra sa virus.
Nakakaalarma umano ito ayon kay Domingo kaya’t payo niya sa publiko na huwag basta-bastang i-inom ng gamot lalo pa’t hindi naman aniya ito nakarehistro bilang gamot sa tao.
Paliwanag ni Domingo, batay sa kanilang tala, nakarehistro ang ivermectin bilang gamot sa bulate sa ilang hayop.