Inilabas ng pamunuan ng health department ang tala ng mga karamdaman na taglay ng isang tao na pupwedeng maturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. John Wong, kinabibilangan ito ng mga sakit na chronic respiratory disease, hypertension, cardiovascular disease, chronic kidney disease, malignancy, obesity at diabetes ay pwede pa ring bigyan ng COVID-19 vaccines.
Ani Wong, ang sinumang indibidwal na may taglay na sumusunod na sakit ay mas lalala pa kung sila’y dadapuan ng virus.
Mababatid na sa ngayon, ay aabot sa 14.5 milyong katao sa bansa ang may comorbidities o karamdaman.