Naging triple ang bilang ng mga kabataang Pinoy na overweight sa nakalipas na 15 taon ayon sa World Health Organization o WHO.
Sinabi ng WHO na batay sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI, kapag hindi nakontrol, malaki ang tyansa ng mga batang overweight na manatiling obese hanggang sa kanilang pagtanda at mauwi sa noncommunicable disease.
Lumabas din sa pag-aaral na mas mataas ang bilang ng mga kabataang overweight sa urban areas kumpara sa rural.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department Of Health na tutugunan ang tumataas na bilang ng kabataang Pinoy na overweight sa bansa.