Huling opsyon na ng palasyo kung palalawigin pa ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force sa Sabado, ika-3 ng Abril para talakayin kung palalawigin pa ba o hindi ang ECQ.
Mababatid na umiiral ngayon ang ECQ sa mga lugar na nasa NCR plus mula noong ika-29 ng Marso hanggang sa Abril 4 dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng naitatalang COVID-19.
Sa huli, ani Roque, umaasa ang palayo na hindi na palalawigin pa ang mahigpit na quarantine status kung maayos lang na nasusunod ang mga itinakdang health protocols.