Sumirit pa rin sa 9, 296 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 dahilan nang pagsipa pa sa 741, 181 ng kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang ikalimang araw kung kailan naitala ang mahigit siyam na libong bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa Department Of Health nasa 124, 680 ang active cases at siyang pinakamataas na naitala sa taong ito ..kung saan 96% ang mild, 2.3 % ang asymptomatic, point 7% ang severe at .6% ang critical condition.
Patuloy ang pagtaas ng recoveries na ngayo’y nasa 603, 310 matapos madagdag ang 103 na mga bagong gumaling sa COVID-19.
Lima ang naitalang bagong nasawi sa COVID-19 at ang death toll ay pumapalo na sa 13,191.