Siniguro ng Health Department na hindi maaapektuhan ng Holy Week ang kanilang monitoring sa mga tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas sila ng kautusan sa mga regional offices ng ahensya.
Ito’y para tiyakin ng mga ito na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng mga laboratoryo sa kabila ng pag-o-obserba sa Semana Santa.
Paliwanag ni Vergeire, dapat kasing magpatuloy ang ginagawang pagsusuri sa mga dumarating na specimen.
Nauna rito, noong nakaraang holiday season bumaba ang mga nasuring specimen dahil sa pagsasara ng mga laboratoryo.