Nagsumite na rin ng aplikasyon ang Janssen Pharmaceutical Company para sa emergency use auhthorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.
Ayon kay Food and Drug Administration Chief Eric Domingo, noong Miyerkules nagpasa ng aplikasyon ng EUA ang kumpanya para sa kaning single-dose na bakuna.
Dagdag pa ni Domingo, aabutin ng 21 araw ang proseso ng evaluation ng ahensya sa naturang aplikasyon.
Magugunitang, nasa 66 na porsiyento ang efficacy rate ng bakuna para makaiwas sa sakit na COVID-19.
Bukod dito, isa ito sa mga bakunang inirerekomenda sa may edad na 18g taong gulang pataas.
Samantala, kabilang sa adverse reaction ng bakunang Janssen ay ang pananakit at pamamaga sa injection site, pagkapagod, pananakit ng ulo, sipon lagnat at pagsusuka. — Sa panulat ni Rashid Locsin.