Maghinay-hinay sa paggamit ng rapid antigen testing.
Ito ang naging pahayag ni Iloilo Rep. Janette Garin matapos ihayag ng Department of Health na idadagdag ang rapid antigen testing sa RT-PCR test sa NCR plus.
Ayon kay Garin, ginagamit lamang ang rapid antigen testing sa mga pasyenteng asymptomatic o nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.
Ikinababahala ito ni Garin dahil nauuso ngayon ang antigen testing dahil mabilis pero hindi dapat maging kampante sa resulta.
Paliwanag rin ni Garin, sakaling asymptomatic ang pasyente o hindi nagpapakita ng sintomas at nag-negatibo sa rapid antigen testing, kinakailangan pa rin nitong sumailalim sa RT-PCR test dahil may false negative rate ang rapid antigen na 40%.
Bukod dito, binigyang diin ng kongresista na ang RT-PCR test pa rin ang gold standard pagdating sa COVID-19 testing. — Sa panulat ni Rashid Locsin.