Tanging ang mga nabakunahan lamang kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang papayagang dumalo sa taunang pilgrimage sa Saudi Arabia kaugnay sa pagsisimula ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim.
Ipinabatid ng The Hajj at Umrah Ministry na ikukunsidera nila ang mga pasok sa tatlong kategorya bilang immunize na kinabibilangan ng mga naturukan ng dalawang dose ng bakuna, may unang dose ng bakuna, 14 araw bago ang pilgrimage at ang mga gumaling na sa COVID-19.
Ang mga nabanggit lamang anito ang bibigyan ng go signal para pumasok sa Grand Mosque sa Mecca.
Ang mga nasabing kategorya rin ang paiiralin sa mga nais pumasok sa prophet’s mosque sa Holy City ng Medina.