Hinimok ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagbibigay-pensyon sa mga senior citizen.
Ito’y dahil online na ang distribution ng DSWD, katuwang ang Landbank.
Ayon kay Vargas, mainam na gawing buwanan ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na lolo’t lola lalo na sa nararanasang pandemya sa bansa.
Sa ngayon, mayroong natatanggap na P500 buwanang pensyon ang mga kwalipikadong senior citizen na nakukuha nila kada anim na buwan sa halagang P3,000.
Samantala, umaasa naman si Vargas na mapagtitibay ang kanyang hiling na doblehin o gawing P1,000 ang pensiyon na ibinibigay sa mga senior citizen. —sa panulat ni Rashid Locsin