Posibleng magpatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Abril.
Ito’y kasunod ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa spot market dahil sa pagbagsak ng ilang planta.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, malakas din kumonsumo ng kuryente ang tao bunsod ng init ng panahon.
Samantala, tiniyak ni Zaldarriaga na hindi magpuputol ang Meralco hanggang ika-15 ng Abril. —sa panulat ni Rashid Locsin