Tinukoy ng Department of Trade and industry o DTI at ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang mga industriyang prayoridad sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE act.
Ayon kay Salceda, Principal Author ng CREATE Act, ang kabilang sa mga industriyang prayoridad sa ilalim ng nasabing batas ay ang mga inobasyon para sa pagkain, agricultural manufacturing, financial technology, sanitation, healthcare at education.
Ang listahan aniya ng mga industriyang nabanggit ay tatawaging Strategic Investment Priorities Plan o SIPP na inaasahang makahihikayat pa ng maraming investor sa bansa.
Dagdag pa ni Salceda, makatutulong din ang SIPP para maihanda ang bansa sakaling mayroon pang ibang pandemya na tatama gaya ng nararanasan ngayon na COVID-19 pandemic.