Mariing iginiit ng Department Of Health ang posibleng panganib na hatid sa kalusugan ng paggamit ng mga hindi rehistradong gamot para sa mga COVID-19 patient.
Ito’y matapos ihayag ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor na siya ay mamamahagi ng “ivermectin” para makatulong sa paggaling ng mga pasyenteng tinamaan ng virus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa rehistrado at subject pa for evaluation ng Food and Drug Administration ang naturang anti-parasitic drug na ivermectin.
Hindi aniya nakatitiyak ang gobyerno sa posibleng epekto ng gagamit ng nabanggit na gamot.