Nagpositibo sa COVID-19 si Department of Environment and Natural Resources o DENR Undersecretary Benny Antiporda.
Ito’y matapos makaranas si Antiporda ng pamamaos at pangangati ng lalamunan noong ika-22 ng Marso, kung saan ito’y sumailalim agad sa pagsusuri.
Nagpositibo ito sa antigen test habang negatibo naman ang kanyang mga kasama sa kanilang tahanan.
Dahil dito, agad siyang nag-isolate at tumawag sa isang doktor mula sa Quezon province para sa phone consultation.
Sa ngayon aniya, patuloy ang kanyang pagpapahingat at pagpapagaling sa sakit.— sa panulat ni Rashid Locsin