Sumipa sa 146 ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa ngayong Martes batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Bukod pa rito, nakapagtala rin ang DFA ng siyam na bagong nasawi sa virus na Pilipinong nasa abroad dahilan upang umakyat sa 1,058 ang lahat ng namatay.
Sa kabuuan mayroon nang 16,569 Pilipinong dinapuan ng naturang virus sa ibang bansa habang 10,058 sa mga ito ay gumaling na at 5,446 naman ang patuloy pang nagpapagaling.—sa panulat ni Agustina Nolasco