Nagsimula na ang pamamahagi ng ayuda sa ilang bahagi ng National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna ngayong araw.
Habang nagsimula na rin ngayong Miyerkules ang distribusyon ng cash aid sa Quezon City at lungsod ng Taguig at nitong Martes naman nagsimula ang pamamahagi ng distruibusyon sa Maynila.
Batay sa Manila City Public Information Office P1.52 bilyon ang nakalaan para sa mga low-income earners sa kaMaynilaan.
Samantalang inaasahang 368,925 na mamamayan naman ng lungsod ng Caloocan ang mabibiyayan ng ayuda.
Magugunitang naglaan ang national government ng P22.9 bilyon cash assistance para sa 11.2 milyong Pilipino sa NCR habang tatlong milyon naman sa Bulacan, 3.4 milyon sa Cavite, 2.7 milyon sa Laguna at 2.6 milyon sa Rizal.—sa panulat ni Agustina Nolasco