Nadakip ng Philippine National Police (PNP) ang 15 byaherong nagpasa ng pekeng resulta ng COVID-19 test sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Miyerkules.
Batay sa ulat ng PNP, mula sa Maynila ang mga pasahero na tutungo sana sa Davao at Zamboanga City.
Kaugnay nito, nagpaalala si PNP Chief Director General Debold Sinas sa publiko na patuloy na sumunod sa travel protocol at nagbabalang mapanganib ang pamemeke ng mga dokumento lalo na ngayong may kinahaharap na pandemya hindi lamang ang bansa kundi ang buong mundo.—sa panulat ni Agustina Nolasco