Inamin ng aktres na si Rhian Ramos nitong Miyerkules sa kanyang instagram account na nagpositibo siya sa COVID-19 at ang kanyang road manager ngunit gumaling din makalipas ang anim na araw.
Batay sa short video clip na inilabas ng aktres sa kanyang instagram account kasama ang kanyang manager na si Rach Librado ilang araw silang nilagnat at agad na nag-self quarantine bago malaman na positibo ang resulta ng kanilang COVID-19 test.
Ayon sa aktres, kapwa nila sinikap manatiling motivated upang labanan ang sakit at pinagtuunan ang pagpapagaling at sinikap maging masaya sa kabila ng karamdaman.
Nagpasalamat naman dalawa sa lahat ng nanalangin sa kanilang mabilis na paggaling at nagbigay ng mensahe ng pag-asa para sa mga nagpositibo rin sa naturang virus.
”The light at the end of the tunnel is wonderful. If you or someone you know is still going through the covid battle, stay motivated my friend. Keep your morale up. When you see your first negative result, you’ll be overcome with relief and that feeling you’ve been dreaming of, where for 5 minutes there’s finally no fear. God bless our countrymen and God bless our healthworkers.Praying for you all out there. Stay safe.″ pahayag ni Rhian Ramos sa kanyang instagram account.—sa panulat ni Agustina Nolasco