Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pinakahuling swab test na isinagawa noong Mahal na Araw.
Ito ang kinumpirma ni Senador Bong Go sa gitna na rin ng mga nababahala sa kondisyon ng kalusugan ng pangulo matapos magpositibo sa virus ang marami sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Ani Go, regular namang nagpapa-swab test ang Pangulong Duterte at walang dapat na ipag-alala bagamat kinakailangan pa ring mag-ingat ng punong ekehutibo.
Magugunitang ipinagpaliban muna ang lingguhang ulat sa bayan ni Pangulong Duterte na nakatakda sana kagabi, Miyerkues, ika-7 ng Abril.