Inihayag ng mga eksperto na maituturing na pundasyon sa muling pagbubukas ng ekonomiya ang mass testing.
Paliwanag ni Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force Against COVID-19, napakahalagang magkaroon ng mass testing sa 20% ng populasyon ng bansa.
Giit ni Leachon, hindi maaaring mag-isolate, gumamot at mag-quarantine kung walang testing dahil dito nada-diagnose ang isang indibidwal.
Sa ngayon aniya ay mayroon lamang 8.79% na mass testing ang bansa na higit na mababa sa kinakailangang 20% ng populasyon.
Una rito, tinanggihan ni testing czar Vince Dizon ang panukalang mass testing dahil hindi umano ito kakayanin ng gobyerno sa halip ay magpopokus na lang sa “targeted” screening para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).