Hindi pabor si Senate Committee on Agriculture Chair, Senadora Cynthia Villar sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba ang taripa sa importasyon ng karne ng baboy.
Gayunman sinabi ni villar na wala na silang magagawa dahil nagdesisyon na ang punong ehekutibo.
Ayon kay villar, sa kanyang pagsusuri sa taunang importasyon ng karne ng baboy, batay sa tala ng bureau of custom, 70% nito ay offal kung saan ang taripa ay 5 hanggang 10% lang.
Habang ang 30% ng naturang importasyon ay good meat na may 30 % taripa.
Kung kaya’t ani Villar, wala nang pangangailangan na ibaba pa ang taripa dahil mababa na talaga ito.