Inaasahang darating ang 2 milyong doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Abril o Mayo.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, na maaaring i-deliver ang isa punto limang milyong doses ng bakunang mula sa Sinovac habang ang 5000,000 doses ng bakuna mula sa Gamaleya ay ngayong buwan o sa susunod na buwan.
Sa ngayon ay halos nasa 2.5milyon doses ng bakuna kabilang ang 2 milyon na mula sa Sinovac at 500,000 doses ng bakuna ng AstraZeneca ang natanggap ng Pilipinas.
Maliban sa 500,00 doses ng bakuna mula sa AstraZeneca , ang mga local government units at pribadong sektor ay nakakuha ng 17 milyong doses mula sa AstraZeneca.
Magugunitang, mayroong naiulat ng European Medicines Agency (EMA) na mayroong pamumuo ng dugo ang ilang nabakunahan ng AstraZeneca sa Europa. —sa panulat ni Rashid Locsin