Hinanda ng Department of Transportation (DOTr) at ng Philippine Ports Authority (PPA) ang dalawang quarantine facilities nito bilang isang isolation facilities para sa mga pasyente ng COVID-19.
Ito ay para makatulong sa mga ospital na dinagsa ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa pahayag ng DOTr, layon nilang matugunan ang pangangailangan ng mga ospital at iba pang medical facilities, kung saan maraming pasyente na ang dinapuan ng virus.
Matatagpuan ang mga quarantine facility na ito sa Eva Macapagal super terminal sa Pier 15 sa maynila at port of capinpin quarantine facility sa bayan ng Orion sa Bataan.
Ang Eva Macapagal ay mayroong kabuuang dalawandaan at labing isang cubicle at nilagyan ng mga hospital bed, portable toilrt, cargo container para sa shower at open-air dining facility.
Samantala, mayroon namang isandaan at dalawampu’t apat na kama ang port capinpin quarantine facility para sa mga returning Overseas Filipino Workers o OFW’s pati na rin ang mga hindi OFW.
Ang hakbang na ito ay napagkasunduan ng DOTr at Department of Health kung saan magbibigay ang ahensya ng mga tauhan at kagamitan sa pagpapatakbo ng mga pasilidad. —sa panulat ni Rashid Locsin