Masayang ibinahagi ng anak ni dating pangulong Erap Estrada na si dating senador Jinggoy Estrada na nasa maayos ang kondisyon ng dating pangulo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng nakababatang Estrada na batay sa mga test na isinagawa sa dating pangulo, maganda ang kinalabasan nito.
Sa ngayon as we speak maganda naman ang kanyang mga numero, he is tremendously improving, unti-unti na siyang tinatanggal sa ventilator,” ani Estrada sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882.
Dagdag pa ni Estrada na unti-unti na ring tinatanggal ang ventilator ng dating pangulo.
Mababatid, ani Estrada, na sa mga susunod na araw ay sasailalim muli ang dating pangulo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test para malaman kung ito’y negatibo na sa virus.