Maglulunsad ng isang programa ang Philippine General Hospital (PGH) na tutulong sa mga pasyenteng may COVID-19.
Bukod dito, ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas Del Rosario, magagabayan din nito ang mga pasyente kung paano haharapin ang sakit, kasama na rito kung kailan kinakailangang dalhin ito sa pagamutan.
Sa pamamagitan aniya ng “OPLAN: COVID-Gabay” ay malalaman ng mga may sakit o ng mga nag-aalaga sa kanila ang mga dapat gawin para maisalba ang buhay ng pasyente.
Kasalukuyan, sinasabing naghahanap pa ang PGH ng mga volunteer para sa nasabing programa.