Muling nagpositibo sa COVID-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito’y matapos ma-admit sa ospital si Roque dahil sa nakakahawa at nakamamatay na virus.
Sa kabila ng kanyang pagka-admit sa ospital, sinabi ni Roque na siya pa rin ang mag-aanunsiyo ng quarantine classification na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force para sa NCR plus bubble mamaya.
Samantala, inaasahan ang magiging anunsiyo ng IATF kung palalawigin ang quarantine status sa NCR plus bubble o hindi na.—sa panulat ni Rashid Locsin