Dapat lumahok ang Pilipinas sa paglalayag o freedom of navigation patrols ng ibang bansa para ipakita na may karapatan ang mga Pilipino sa West Philippine Sea.
Bukod dito, ayon kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio, mahalagang idulog muli ang usapin sa isang arbitral court, partikular ang napaulat na panibagong pangha-harass ng mga Tsino sa mga mangingisdang Pinoy sa rehiyon.
Ayon kay Carpio, nilabag ng mga barko ng China ang international law nang habulin nito ang isang Filipino boat na may sakay na mga mangingisda at news crew lalo pa’t nangyari ito sa mismong exclusive economic zone o EEZ ng bansa.
Isiniwalat din ng dating mahistrado na may nilagdaang agreement ang Pilipinas bago naupo si Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan sa ‘freedom of navigation patrols’ ngunit hindi umano ito naipatutupad ng kasalukuyang administrasyon laban sa China.