Pinaghahanda na ng PAGASA ang mga residente ng Visayas at Mindanao dahil sa panibagong low pressure area (LPA) na inaasahang magiging bagyo sa susunod na tatlong araw kapag pumasok ito sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong halos 2,000 kilometro, silangan ng Mindanao.
Sakaling umabot sa Tropical Depression category, sinabi ng PAGASA na papangalanan itong ‘Bising’.
Maliban sa LPA, nakakaapekto rin sa bansa ang Easterlies na mayroong mainit na hangin subalit madalas na nagdadala ng ulan sa dakong hapon at gabi.