Magpapatupad ng bawas presyo ang ilang kumpanya ng langis sa kani-kanilang mga produktong petrolyo.
Sa inilabas na anunsyo ng Shell, Petro Gazz, Seaoil Philippines, tatapyasan ng 25 sentimos sa kada litro ng gasoline.
Habang diyes sentimos naman sa kada litro ng kerosene.
Wala namang paggalaw sa presyo ng kani-kanilang produktong diesel.
Iiral ang tapyas sa presyo ng mga oil companies, bukas a-trese ng Abril ganap na ala-sais ng umaga.