Napag-usapan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at counterpart nito sa Estados Unidos ang isyu sa West Philippine Sea.
Ito’y ayon sa defense department, anila naganap ang pag-uusap nina Lorenzana at US Secretary of Defense Lloyd Austin sa pamamagitan ng telephone conference.
Dagdag pa ng ahensya, napag-usapan din ng mga opisyal ang muling pag-arangkada ng balikatan exercise ngayong taon.
Ani Austin, nararapat lamang na ipagpatuloy ang pagtutulungan ng dalawang bansa sang-ayon sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa panig naman ni Lorenzana, sinabi nito na kanyang tatalakayin sa Pangulo ang usapin.
Magugunitang makailang beses nang napalawig ang VFA makaraang magdesisyon ang punong ehekutibo na ibasura ito.