Ayaw pa ring magpabakuna kontra COVID-19 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa halip ay ibibigay na lamang niya ang kanyang slot para sa may nais magbakuna nito na may malaking tyansang mabuhay pa at maging produktibo ang pamumuhay.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan kagabi, kasunod ng paliwanag na matanda naman na siya at handa na siyang mamamatay sa pamamagitan man ng COVID-19 virus, bala o aksidente man.
Ako magwe-waive ako, magwe-waive ako, because I am 70 above, 70 above ako ano mang makuha mo miski mag-dream of what? Living until what until kingdom come. Ako magwe-waive ako sino mang gusto ng slot ko bigay ko… Ako kung panahon ko na whether its COVID o bala o whatever disgrasya… Ang unahin natin ang mabubuhay pa…Wala akong masyadong ilusyon sa life and death…Ang unahin natin yung mabubuhay pa. Ang unahin natinyung medyo kapag nabigyan ng vaccine theres a just he would live and live productively,“pahayag ng Pangulong Duterte.
Ayon pa sa Pangulo, karaniwan naman aniya ng mga matatanda o senior citizens, maliban sa mga mambabatas at senador ay hindi na produktibo at nais na lamang gugulin ang natitirang oras kasama ang pamilya.
Most of the senior citizens are no longer productive pwera na lang itong mga na-elect na
naging congressman, senador kasi may trabaho talaga yan…Nothing to look up kundi to spend a little bit time with family and time to go. Wala na kami maibigay masyado sa ating bayan, sa edad namin kung ‘di kami na-elect baka talagang hindi na nga,“ wika ng Pangulong Duterte.
Matatandaang, nauna nang sinabi ng Pangulo na magbabakuna ito vs. COVID-19 nitong Pebrero oras na dumating na ang bakuna sa bansa upang palakasin ang kumpyansa ng publiko sa pagbabakuna.—sa panulat ni Agustina Nolasco