Nananatiling full capacity ang St. Luke’s Medical Center subalit nabawasan ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient sa emergency room nito.
Ito, ayon kay Dr. Benjamin Campomanes, chief medical officer ng St. Luke’s, ay posibleng dahil sa dagdag na isolation facilities na pinagawa ng gobyerno, dagdag na COVID-19 beds sa ibang ospital, pagtaas ng tele-consult services at posibleng pagbaba ng COVID-19 cases matapos ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Sinabi ni Campomanes na kapansin-pansing nabawasan ang pila nil sa emergency ng mga mild to moderates cases.
Ang St. Luke’s aniya na mayroong 250 COVID-19 beds sa dalawang ospital nito sa Taguig at Quezon City ay tumatanggap lamang ng moderate to critical virus cases.
Inihayag ni Campomanes na wala silang inirereserbang kama para sa anumang kaso ng COVID-19 kaya’t mas mabuting tumawag muna bago magtungo sa kanilang ospital.
Kasabay nito, ipinabatid ni Campomanes na mayroon silang hiwalay na emergency room para sa non-COVID-19 patients.