Umabot na sa kabuuang 884,783 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 8,571 na mga bagong kaso ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 165,534 ang bilang ng mga aktibong kaso nito.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 137 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 15,286 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
703,963 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 400 na mga bagong gumaling dito.