Inaprubahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P5,000 cash aid sa halos 400,000 tourism sector workers.
Ito sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), makatatanggap ang 370,434 mula sa 14,301 tourism establishments, organizations, at associations sa bansa, at 13,123 na iba pang maggagawa na nag-aplay din sa programa.
Ayon pa sa DOLE, naipamahagi na P1.2 bilyong ayuda habang P719.2 milyon pa ang hindi nakukuha.
Samantala, hinimok ng DOLE ang iba pang apektadong sektor ng turismo na mag-apply sa ayuda. —sa panulat ni John Jude Alabado