Humihingi ng pulong ang Alliance of Health Workers sa Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasunod na rin ito nang pagpapadala ng sulat ng grupo na pirmado ng 24 na union leaders mula sa Philippine General Hospital (PGH), National Center for Mental Health, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Philippine Heart Center at iba pa.
Binigyang diin ng healthcare workers na nais nilang makuha na ang mga benepisyong dapat nilang tanggapin sa kabila nang pagsasakripisyo nila simula pa nang maideklara ang pandemya.
Umaapela rin ang grupo ng malawakang recruitment ng health workers na mayroong permanent plantilla position dahil marami sa kanila ay halos wala nang pahinga sa trabaho.