Tila last resort na lamang para kay Education Secretary Leonor Briones ang planong gawing vaccination centers ang mga public school.
Ayon kay Briones, uubra lamang gamiting vaccination centers ang mga pampublikong paaralan kung wala na talagang ibang lugar na mahanap ang isang local government unit, bagamat mayroon aniya silang polisiya na gamitin ang mga paaralan tuwing may kalamidad subalit huling option na lamang ito.
Sinabi pa ni Briones na sakaling gamitin ang mga nasabing paaralan bilang vaccination centers, dapat itong pareho rin sa panuntunan ng mga isolation centers ng Department of Health kung saan 1,212 na eskuwelahan ang nagsisilbi ngayong quarantine facilities.