Ipinapaliban ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang planong maintenance shutdown ng mga suplay ng kuryente.
Ito ang naging panawagan ni Gatchalian matapos magkaroon ng forced power outages o biglaang pagsasara ng ilang planta sa luzon.
Ayon kay Gatchalian, kadalasang tumataas ang konsumo ng kuryente kung saan lumiliit ang reserba kaya may pagkakataong hindi sapat sa pangangailangan ng konsyumer.
Dagdag pa ni Gatchalian, hindi dapat maranasan ang pagkakaroon ng brownout dahil maaaring maapektuhan ang bisa ng bakuna na kailangang mapanatili sa pagkakaimbak sa malamig na storage facilities.
Samantala, binigyang diin ni Gatchalian na mahalaga ang suplay ng kuryente lalo na sa mga nasa work-from-home scheme, gobyerno at mga nasa distance learning habang nasa gitna ng pandemya.— sa panulat ni Rashid Locsin