Labing lima (15) pang tren ang pinalarga ng MRT line 3.
Ito ay bagamat nasa limitadong operasyon pa rin ang MRT line 3 matapos mag positibo sa COVID-19 ang maraming empleyado nito.
Ayon sa pamunuan ng MRT dinagdagan nila ang bumabyaheng tren dahil karamihan naman ng mga driver ay negatibo sa virus.
Ipinabatid ng MRT management na off limits muna o hindi pinapayagang pumasok sa premises ng MRT-3 tulad ng depot at mga istasyon ang mga manggagawang nag positibo sa COVID-19 gayundin ang kanilang close contacts, naghihintay pa ng resulta ng kanilang test at maging ang mga asymptomatic.
Sa ngayon ay 30%lamang ng 372 passengers kada train o 124 passengers ang kayang isakay ng mga tren ng MRT bilang pagsunod sa minimum health protocols.