Binalaan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang publiko laban sa mga gumagamit sa kanyang pirma sa mga dokumento para makapagbenta ng ari-arian.
Hinimok ni Carpio ang publiko na kaagad i-report sa mga otoridad kapag mayroong lumapit sa kanila na ginagamit ang kanyang pangalan.
Ang tinutukoy ng presidential daughter ay ang dokumentong mayroon umanong lagda niya bilang notary public sa isang property sa Taguig City na nabenta na.
Sinabi ni Mayor Sara na hindi na siya nagpapractice ng law at hindi siya notary public o nag-apply para maging mag-notario.
Dapat aniyang maging alerto ang taumbayan sa pakikipagtransaksyon lalo na kung may kinalaman sa pera sa mga gumagamit ng kanyang pangalan.