Kulang pa sa requirements ang emergency use authorization (EUA) application ng Bharat Biotech vaccine ng India.
Ito, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ay kaya’t hindi pa sila nakakapaglabas ng resulta hinggil dito.
Enero pa aniya ng kasalukuyang taon nang magsumite ng naturang aplikasyon ang Bharat Biotech, ngunit hanggang sa ngayon ay bigo pa nilang maisumite ang sertipikasyon na magpapatunay na nasusunod ng kanilang factory ang “good manufacturing practice”.
Tiniyak naman ni Domingo na kaagad na gugulong ang proseso ng FDA sa pag-aapruba ng EUA para sa Bharat Biotech oras na makumpleto nila ang mga kinakailangang dokumento. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)