Tiniyak ng gobyerno na kaagad bibigyan ng tulong ang mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Lando.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Emerson Palad, aabisuhan na nila ang kanilang Regional Offices at units para ipamahagi na ang preposition na palay at mais upang mabilis ang re planting sa mga nasirang pananim.
Sinabi ni Palad na naka focus sila sa palay at mais subalit handa pa rin sila sa high value crops at livestock sa agarang roll out ng plant at animal industry bureau ng ahensya.
Siniguro rin ni palad ang sapat na supply ng bigas sa bansa sa kabila nang pagbayo ng bagyong Lando.
By: Judith Larino | Aileen Taliping (patrol 23)