Pinakakasuhan ng legal service ng Department of Agriculture ang dating pinuno ng Bureau of Animal Industry (BAI) kaugnay sa pagbibigay ng permit para makapag angkat ng karneng baboy mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sa pagdinig ng senate committee of the whole ipinabatid ni Atty. Armando Crobalde, Jr. ang pag-endorso nila para makasuhan sa Presidential Anti-Corruption Commission si dating BAI Director Dr. Ronnie Domingo.
Sinasabing nagpalabas pa rin ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) si Domingo para makapag-angkat ng karneng baboy mula sa mga bansang apektado ng asf tulad ng belgium, Hungary, Germany at China sa kabila nang ilang ulit na direktiba ni dating Agriculture Secretary Emmanuel Piniol na bawal pumasok sa Pilipinas ang pork imports mula sa mga nasabing bansa.