Pumasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm ‘Surigae’.
Ayon sa PAGASA, dakong alas-6:20 ng umaga nang pumasok ang bagyo sa PAR at tatawagin itong ‘Bising’.
TROPICAL CYCLONE UPDATE
7:00 AM, 16 April 2021At 6:20 AM today, Severe Tropical Storm “SURIGAE” entered the Philippine Area of Responsibility and was assigned the domestic name “BISING”. Severe Weather Bulletins will be issued beginning at 11:00 AM today. pic.twitter.com/m4EJ4bcR5S
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) April 15, 2021
Inaasahan namang magdadala ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang trough o buntot ng bagyo sa maraming bahagi ng Mindanao sa darating na Sabado.
Asahan na rin ang epekto ng bagyo sa bahagi naman ng Visayas.
Samantala, posible namang makaranas ng mahihinang buhos ng ulan ang Metro Manila sa hapon at gabi sa araw ng Linggo.
Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang Bagyong Bising ngunit maaari itong lumakas pa at umabot sa super typhoon level kung saan, posibleng itaas ang Signal No. 3 sa mga lugar ng Samar Island at Bicol Region.